PNPA CADET, NAGPOSITIBO SA DROGA; 2 BIKOLANONG PULIS, HULI RIN

Ni Joan Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Hindi nakaligtas sa pinakahuling random drug tests ang tatlong Philippine National Police (PNP) personnel, kabilang na ang isang graduating cadet ng PNP Academy kasunod ng utos ni PNP Chief PGEN Debold M. Sinas na isailalim sa drug test ang Class of 2021 matapos ang insidente ng pambubugbog sa isang miyembro ng Cadet Corps nitong Bagong Taon.

Ipinag-utos na ng PNP Chief ang agarang imbestigasyon at summary dismissal proceeding kina Cadet 1st Class John David Macagba ng PNPA, Patrolman Christian Laganzon ng Ligao City Police Station, at NUP Giovanni Adulta ng Tabaco City Police Station.

Sa 260 graduating cadets, bukod tanging si Macagba lang ang nagpositibo sa shabu. Hindi kasama sa drug test ang biktima ng pambubugbog at isa pang kaibigan nito na pareho pang nasa ospital.

Samantala sa Bicol Region, sa 8,067 PRO5 personnel, nagpositibo sina Laganzon at Adulta na inilipat na sa Regional Personnel Holding and Accounting Service para siguruhing makakaharap sila sa imbestigasyon.

Inalisan na rin ng tsapa at binawian na ng baril si Laganzon.

Simula Hulyo 2016, 438 PNP personnel na ang nagpositibo sa droga kung saan 382 sa mga ito ang despatsado na samantalang 39 ang pending pa ang kaso.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.