PRAYORIDAD PARA SA COVID-19 VACCINE, TINUKOY NA NG GOBYERNO

Ni Monica N. Ladisla
Source: Philippine News Agency
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Kinumpirma kahapon ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na prayoridad para sa darating na COVID-19 vaccine ang health workers, uniformed personnel, gayundin ang mga mahihirap.

Mayroon na umanong listahan ang gobyerno ng mga prayoridad na makakakuha ng bakuna, sapagkat maaaring hindi sapat ang suplay nito upang matugunan ang pangangailangan ng lahat.

Ayon kay Sec. Duque, ang mga sumusunod ang prayoridad sa bakuna:

  •   Healthcare workers, frontliners sa ospital at emergency rooms;
  •   Frontliners sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Education, at Department of Social Welfare and Development, at barangay health workers;
  •   Mga empleyado ng Bureau of Corrections, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology;
  •   Uniformed personnel ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines;
  •   Mga mahihirap;
  •   Senior citizens; at,
  •   Iba pang nabibilang sa vulnerable population.

Ayon kay Sec. Duque, hindi muna isasama sa listahan ang mga buntis, sapagkat maaaring makaapekto ang bakuna sa kanilang pagbubuntis.

Samantala, nilinaw din ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na kasama sa prayoridad sa bakuna ang mga kabilang sa lugar na naging epicenter ng pandemya tulad ng Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Cebu, Davao City, at Cagayan de Oro.

Dagdag pa niya, plano ng gobyerno na makakuha ng 50 milyong doses para sa 20 milyong katao na kabilang sa listahan.

“We have been doing so many things to prepare for this. More or less, it will take six months to prepare. The best case scenario is to have the vaccines available in the country by May to July next year,” pahayag ni Galvez.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.