PRC NAKATAKDANG MAGSAGAWA NG 101 LICENSURE EXAMS NGAYONG TAON

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakatakdang magsagawa ang Professional Regulation Commission (PRC) ng 101 licensure examinations ngayong taon upang mabawi ang mga nakanselang exams noong nakaraang taon dahil sa pandemya.

“Dahil mga 11 exams lang ang na-conduct namin last year compared to 83 examinations in 2019. Kaya ngayon, to make up we have scheduled 101 licensure examinations for 2021,” ani PRC Chairman Teofilo Pilando, Jr.

Paglilinaw ni Pilando, prayoridad umano ang licensure exams na may kinalaman sa medisina tulad ng medical technology, sanitary engineering, veterinary medicine, social work, licensure for physicians, respiratory therapy, at optometry.

Dagdag pa niya, lahat umano ito ay nakatakdang isagawa ngayong unang bahagi ng taon.

Kaugnay nito, inilahad din ni Pilado na may ilan pa ring professional boards ang piniling ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng eksaminasyon subalit hindi na niya binanggit kung ano ang mga ito.

Siniguro rin niya na ipatutupad ang istriktong health protocols sa examination venues kabilang na ang pagsumite ng PCR test ng parehong examinees at examination personnel at posibleng pagdagdag ng examination venue upang mabawasan ang room capacity at masunod ang social distancing.

Kinukunsidera rin umano nila ang paggamit ng computer-based examinations at inaasahang magagamit na ang pamamaraang ito bago matapos ang taon.

“Pinag-aaralan na namin ‘yung batas ng bawat propesyon, at saka ‘yung mga issues on privacy, security and then appropriate technology. Hopefully before the end of the year, macoconduct na namin, at least for the small boards, meaning ‘yung boards na kakaunti lang ‘yung examinees para mas manageable,” pahayag ni Pilando.

Binigyang linaw din ni Pilando ang isyu tungkol sa PRC IDs na expired o malapit ng mag-expire at ayon sa kanya, “Meron pong automatic extension, lalo na nung nagkaroon ng lockdown, automatically na-extend yung mga mag-eexpire na professional identification cards.”

Dagdag pa niya, “With regard to the CPD (Continuing Professional Development) compliance naman, inextend ng Commission yung undertaking until the end of 2021 para hindi na ipakita ng professional na nakapag-comply sila sa bilang na they are complying with the CPD requirements.”

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.