PRESYO NG COVID-19 VACCINES NA KUMALAT ONLINE, “FAKE NEWS”

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nilinaw ni National Policy Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang  mga kumakalat na presyo ng bakuna para sa COVID-19 sa iba’t ibang social media platforms ngayon ay hindi kapareho ng napagkasunduang presyo ng gobyerno sa ilalim ng COVAX.

Ayon sa kaniya,ang mga presyo ng bakuna na kumakalat online ay base sa commercial value ng mga ito.

“We want to caution the public on the prices of vaccines circulating online and in many publications. These are market prices and not the COVAX prices that were in our negotiations with vaccine manufacturers,” paliwanag ni Galvez.

Ang COVAX ay itinatag ng World Health Organization noong Abril ng nakaraang taon at naglalayong magbigay ng solusyon sa pandemya at siguruhing ang lahat ng bansa sa mundo ay magkakaroon ng sapat na suplay ng bakuna laban sa COVID-19 para sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Galvez, ang mga presyo ng bakuna sa ilalim ng COVAX facility ay mas mababa ng halos 300 percent kumpara sa market value ng mga ito.

“Despite the limited supply and massive global demand for the vaccines, we were able to negotiate and secure over 100 million vaccine doses at a lower price or the same price offered to the COVAX facility,” paliwanag niya.

Bagama’t hindi umano maaaring ilabas ang listahan ng presyo ng mga bakuna dahil sa confidentiality agreement na nakapaloob sa mga kasunduan, siniguro ni Galvez na nabili ng pamahalaan ang mga bakuna sa mas mababang presyo at tanging ligtas at epektibong mga bakuna lamang ang bibilhin nito.

Dagdag pa niya, ang lahat ng mga bakunang bibilhin ng gobyerno para sa COVID-19 ay sasailalim sa masusing pagpili at evaluation ng Food and Drug Administration upang tiyakin ang kaligtasan at kalidad ng mga ito. 

“Regardless of brand names or country origin, all vaccine candidates will undergo the same rigorous regulatory review procedures,” saad niya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.