PRICE TRANSPARENCY SA RT-PCR TEST, IGINIIT NG DOH SA HEALTH FACILITIES

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakatakdang maglabas ng administrative order ang Department of Health (DOH) na naglalayong isapubliko ng health facilities ang presyo ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) na inaalok nila sa publiko.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nais nilang managot ang mga ospital at health facilities sa publiko matapos lumabas ang ilang balitang may ilang institusyong lumalabag diumano sa itinakdang testing price range para sa RT-PCR test.

“We have started the monitoring, meron tayong nakita na isang facility na non-compliant. Tayo ay nagpadala na ng ating letter for them to explain. That’s the initial thing that we do,” ani Usec. Vergeire.

Nitong huling linggo ng Nobyembre, nagbigay ng atas ang gobyerno na itakda ang maximum price ng RT-PCR test sa pampubliko at pribadong ospital. Maaari umanong umabot sa P4,500 hanggang P5,000 ang singil sa sa mga pribadong ospital samantalang hanggang P3,800 lamang ang maaaring singilin sa mga pampublikong pasilidad.

“Talagang imamandato natin sa ating facilities na kailangan nilang mag-post ng kanilang mga presyo. Para malaman ng mga pasyente kung ano ‘yung gastos na kanilang hinaharap ‘pag sila ay pumunta,” paglilinaw ni Usec. Vergeire.

Kaugnay nito, hinimok din ni Surigao Congressman Johnny Pimentel na isapubliko ng DOH ang presyo ng RT-PCR tests. Aniya, may mga natanggap umano siyang reklamo nitong Linggo na may ilang pribadong ospital ang naniningil ng mas mataas sa itinakdang price range.

“The DOH’s failure to promote pricing transparency from the start is the single biggest reason why costs remain elevated at the expense of consumers,” pahayag ni Pimentel.

Dapat rin umanong isali ang mga karagdagang bayarin sa ilalabas sa opisyal na listahan upang madaling malaman ng publiko.

“Pricing transparency is important because consumers may have to rely on COVID-19 testing for a very long time, considering that it may take the government three years to vaccinate 60% of the national population against the virus to achieve what experts call herd immunity,” dagdag ni Pimentel.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.