PRRD APRUBADO NA ANG 20K AYUDA PARA SA EMPLOYEES’ COMPENSATION PENSIONERS

Ni Raiza F. Cabugwang
Pangulong Rodrigo Duterte, Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, Abril 19, 2021, ang tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng P20,000 upang tulungang makabangon mula sa dagok na dulot ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic ang Employees’ Compensation (EC) pensioners ng bansa. 

Ayon sa Social Security System (SSS), ang EC ay isang programang naglalayon na matulungan ang mga manggagawang nagkasakit o naharap sa kapahamakan, tulad ng pagkakaroon ng kapansanan o pagkamatay, bunsod ng kanilang trabaho. 

“The adverse effects of the pandemic on the economy, supplementary health necessities for the battle against the virus, and restrictions imposed on our mobility and social interaction, have increased the financial and health burdens experienced by the EC pensioners,” pahayag ng Pangulo sa kanyang inaprubahan Administrative Order 39. 

Pinahintulutan ni Pangulong Duterte ang EC Commission na magbigay ng nasabing “one-time financial assistance” sa pensioners na may permanenteng partial o total disability sa mga pampribado at pampublikong sektor. 

Ayon pa sa Pangulo, nasa 31,000 pensioners ng SSS at ng Government Service Insurance System ang magbebenepisyo mula sa naturang ayuda. Hindi na rin aniya kinakailangang magdagdag ng kontribusyon ang mga benepisyaryo upang makuha ang naturang tulong-pinansyal.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.