PRRD APRUBADO NA ANG DAGDAG NA CALAMITY FUNDS PARA SA MGA LUGAR NA NASALANTA NG MGA BAGYO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, Nobyembre 23, ang P1.5 bilyong dagdag-pondo para matulungang makabangon ang mga lugar na lubhang napinsala ng sunod-sunod na pagbagyo sa bansa kamakailan lamang, lalo na ang malaking bahagi ng Luzon.

Kabilang sa mga mababahagihan sa nasabing pondo ay ang mga lokal na pamahalaan ng Bulacan, Cagayan, Isabela, Pampanga, Nueva Ecija, Camarines Sur, Quezon, Albay, Rizal, Quirino, Laguna, Camarines Norte, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Tarlac, Aurora, Cavite, Ilocos Norte, Batangas, Sorsogon, Marikina, Manila, Bataan, at Masbate.

Nauna nang naglaan ng P1.5 bilyong pisong calamity fund ang pamahalaan para sa Albay, Quezon, Camarines Sur, Catanduanes, Oriental Mindoro, Batangas, Sorsogon, Occidental Mindoro, Laguna, Marinduque, Cavite, Rizal, Camarines Norte, Masbate, Romblon, at Palawan.

“Taliwas sa mga sinasabi ng kritiko sa panahon ng kalamidad at sakuna, walang pinipili at hindi namumulitika ang administrasyong Duterte. Lahat ay pantay-pantay, lahat ay mabibigyan, kaalyado man o hindi, bumoto man o hindi,” pahayag ng tagapagsalita ng Pangulo.

Noong nakaraang linggo ay idineklara ni Pangulong Duterte ang state of calamity sa buong Luzon. Sa ilalim ng state of calamity, maaaring gamitin ng mga lokal na opisyal ang nakalaang calamity fund para sa kanilang nasasakupan nang walang nakatakdang restriksyon, at maaari ring magtalaga ng price freeze para sa mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang paglobo ng presyo ng mga ito sa mga pamilihan.

Magugunitang nag-iwan ng P19 bilyong halaga ng pinsala ang Bagyong Ulysses, na siya ring nagdulot ng matinding pagbaha sa Luzon. Ang paghagupit ng Bagyong Quinta at Rolly naman ay nag-iwan ng kabuuang P22 bilyong danyos sa bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.