PRRD APRUBADO NA ANG PAGPAPALAWIG SA ‘NO DISCONNECTION’ POLICY PARA SA MGA PINOY NA MAY LOW INCOME

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Huwebes, Pebrero 4, 2021, na aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa “no power disconnection” na polisiya para sa tinatawag na “lifeliners” o iyong mga Pilipinong mababa lamang ang kinikita. 

Ito ay upang matulungan ang nasabing sektor na makabangon mula sa dagok na dala ng pandemya. 

Sa pagpupulong na ginanap sa pagitan ng mga miyembro ng gabinete ng Pangulo nitong Miyerkules, Pebrero 3, sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang lifeliners ay kumokunsumo ng nasa 100 kilowatt-hours ng kuryente. 

Bagama’t sakop ng mga ito ang 32 porsyento ng kabuuang bilang ng mga gumagamit ng kuryente sa bansa, tatlong porsyento lamang ng electricity sales o kita ang nagmumula sa kanila, kaya’t iminungkahi ng DOE na ipagpatuloy ang “no power disconnection” para sa nasabing sektor. 

Ani Nograles, pumayag si Pangulong Duterte na gawin ang naturang hakbang dahil batid aniya ng Pangulo ang kahalagahan ng elektrisidad sa buhay ng mga Pilipino. 

“Makakahinga na po nang malalim ang ating mga kababayan na mababa o walang kita. Hindi po kayo mapuputulan ng kuryente,” pahayag ni Cab Sec Nograles. 

Hindi naman nabanggit ni Nograles kung hanggang kailan ang bisa ng naturang desisyon ng Pangulo. 

Samantala, hinihimok ng Pangulo ang Kongreso na magpasa ng batas na magpapalawig sa subsidized na electricity rates para sa lifeliners hanggang 2051. Hanggang kalagitnaan na lamang ng taon ang bisa ng subsidized electricity rates para sa naturang sektor.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.