PRRD BUMUO NG TASK FORCE PARA SA REHABILITASYON NG MGA LUGAR NA HINAGUPIT NG KABI-KABILANG PAGBAGYO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Kaugnay sa sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses sa bansa, nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng inter-agency task force na siyang mangangasiwa upang mas mapadali at mapabilis ang proseso ng rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

Inanunsyo ito ng Pangulo sa kaniyang public address nitong Sabado, Nobyembre  14, kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, lalo na ng matinding pagbaha sa Cagayan Valley.

“I directed them to streamline, para madali ang rehabilitation efforts [in areas] affected by the typhoon. Gusto ko ‘yong task force na magbigay kaagad ng relief assistance sa affected,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Bagama’t hindi niya binanggit ang eksaktong petsa, sinabi ng Pangulo na may nakatakdang oras na ibinigay sa task force para makumpleto ang nasabing rehabilitasyon sa mga binagyong lugar. Pinaalalahanan din niya ang naturang task force na gawin ang lahat ng makakaya upang matapos ang rehabilitasyon base sa ibinigay na oras.

Siniguro rin niya sa mga biktima ng Bagyong Ulysses, ang pinakahuling bagyong pumasok sa bansa, ang tulong at suporta ng gobyerno.

“Walang maraming istorya, salita. May mga tao na nangangailangan ng tulong. ‘Yong iba namamatay. Kaya ang gobyerno papasok sa lalong madaling panahon gamit lahat ‘yong mga assets, mga ari-arian ng gobyerno at gagamitin doon sa lugar ninyo,” paliwanag ng Presidente.

Tiniyak din niya na muling makakabangon ang mga lubhang napuruhan ng nasabing mga kalamidad.

“Kaya natin ito. Ilang pahirap na ng panahon, babangon din tayo. Mahirap, pero alam mo naman ang Pilipino, alam niyang tumindig uli,” dagdag pa ng Pangulo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.