PRRD bumuwelta sa pahayag ni Robredo

Ni Monica Ladisla
(PHOTO CREDIT: ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO)

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga naging pahayag ni Vice President Leni Robredo matapos punahin ang mga isinagawang hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19.

“Itong sinasabi ni Leni na kung ‘di gawin ng gobyerno, gagawin ng tao… panahon ito ng pandemic, desperado ang tao… dadagdag kayo, wala naman kayo basehan,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Aniya, “adding fuel to the fire” umano ang mga naging patutsada ng Bise Presidente at hindi mareresolba ang kinakaharap na problema ng bansa kahit mabuwag ang gobyerno o mamatay siya.

Babala ni Pangulong Duterte, “You will just destroy government. Huwag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao.”

Sa kanyang 20-minute nation address kahapon, nagbigay ng ilang suhestiyon si Robredo kung paano paiigtingin ng pamahalaan ang kanilang istratehiya upang maisalba ang ekonomiya sa recession dulot ng COVID-19.

Pinuna rin ni Robredo ang kawalan umano ng kumpiyansa ng publiko sa administrasyon sa gitna ng pandemya.

“Let me emphasize: Confidence keeps the economy rolling. And the truth is, even before the pandemic, our economy could not reach its full potential because of lack of confidence… This is why, especially now that we are grappling with a pandemic, the last thing that we need is even more instances that erode confidence,” saad ni Bise Presidente Robredo.

Dahil na rin sa kawalan ng kumpiyansang ito kung kaya’t aniya, “Filipinos are willing to man the oars”.

Dinepensahan naman ng Palasyo ang pandemic response ng gobyerno. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang bago sa mga suhestiyon ni Robredo at lahat umano ito ay ipinatutupad na ng pamahalaan.

Sinegundahan din ito ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at sinabing “theatrical pretenses” lamang umano ang ginawang nation address ni Robredo.

Dagdag pa niya, “It is crystal clear that VP Robredo is trying to undermine the efforts of the government in managing the crisis. She appears to have mastered the art of appearing politically relevant while exhibiting her pretended concern, and succeeding to mislead her supporters and the gullible.”

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.