PRRD buo ang desisyon kay Duque sa gitna ng krisis sa COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang

Muling ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang buong suporta kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng Kalihim sa pagresolba ng krisis pangkalusugan sa bansa bunsod ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ginanap na public address noong Agosto 2, tumanggi ang Pangulo na alisin sa pwesto si Sec. Duque sa kabila ng ilang mga pagbatikos sa pamumuno ng Kalihim at kanyang iginiit na hindi naman aniya inangkat ng huli ang COVID-19 papasok ng bansa. 

Ayon pa sa Pangulo, walang kasalanan si Sec. Duque dahil isang pandemya ang kinakaharap na krisis ng bansa at hindi aniya ito inasahan ng sinuman.

“And you keep on harping on Secretary Duque. What will I do with him? There’s a — lack of hospital beds? Talagang nagkulang. Nobody anticipated this. This is a pandemic. It’s — bigla… Medicines gano’n din, naghintay — naghintay tayo nang matagal. Iyong mga ventilators gano’n din,” pahayag ni  Pangulong Duterte sa mga nambabatikos sa Kalihim.

Ipinarating din ng Pangulo ang kanyang pag-unawa kay Health Sec. Duque hinggil sa komento ng Kalihim tungkol sa datos ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Now, if Secretary Duque misquoted or was not accurate sa kanyang figures, para sa akin, matulala ka sa figures because they come in incomplete and sometimes wrong, sometimes asymptomatic, sometimes nakauwi na,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang nanawagan ang ilang mga Senador sa pagbibitiw sa pwesto ng Kalihim kaugnay sa umano’y hindi epektibong pagresponde sa pandemya sa ilalim ng kanyang liderato.

Umani rin ng pagbatikos si Sec. Duque sa iba’t ibang grupo hinggil sa kanyang naunang pahayag na nasa umano’y “second wave” na ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Kamakailan lamang ay tinuligsa rin ang DOH sa kanilang isinagawang klasipikasyon ng mga indibidwal na gumaling na mula sa nasabing sakit, kung saan noong Hulyo 30 ay naitalang nasa 38,075 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa loob ng isang araw.  

Ito ay matapos baguhin ng Kagawaran ang panuntunan nito sa pagtatala ng mga gumaling, kung saan, ikokonsidera nitong “clinically recovered” na ang isang indibidwal mula sa COVID-19 kapag nakumpleto na nito ang 14 na araw ng isolation magmula sa araw na kinuhanan ito ng specimen sa pamamagitan ng swabbing.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.