“Well, I think the President has said that he will now have himself vaccinated publicly.”
Ito ang inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isang online briefing bilang paglalahad sa kahandaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna laban sa COVID-19 sa harap ng publiko.
“He only has to announce when it will be done, and that’s of course, in recognition of the fact na nag-aantay ng senyales ang taumbayan kung sila’y magpapabakuna o hindi. That is a policy that we will now pursue,” pagpapatuloy ng tagapagsalita ng Pangulo.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na handa siyang maging unang-una sa listahan ng mga babakunahan upang mapatunayan ang pagiging epektibo at ligtas ng COVID-19 vaccine.