PRRD HINIMOK ANG MGA MAGULANG NA PABAKUNAHAN ANG KANILANG MGA ANAK KONTRA TIGDAS, RUBELLA, POLIO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“The most important lesson that we are learning from the ongoing COVID-19 (Coronavirus disease 2019) pandemic is that the health risks posed by the spread of communicable diseases must be seriously addressed.” 

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang video message bilang pag-apela niya sa mga magulang na suportahan ang immunization campaign ng Department of Health (DOH) laban sa mga sakit na maaaring mapigilan sa pamamagitan ng pagbabakuna, lalo pa aniya’t humaharap ang bansa sa krisis pangkalusugan bunsod ng COVID-19.

Hinikayat ng Pangulo na pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad na mas mababa sa limang taong gulang upang maagapan ang posibleng pagdapo ng measles, rubella, at polio sa mga ito.

Ayon sa DOH, ang mga batang may edad siyam hanggang 59 na buwang gulang ay bibigyan ng bakuna laban sa tigdas at rubella, samantalang iyong mga kakapanganak lamang hanggang 59 na buwang gulang ay babakunahan naman ng oral polio vaccine.

Sinimulan nang isagawa ng Kagawaran ang malawakang pagbabakuna noong Oktubre 26 upang maiwasan ang posibleng measles outbreak sa susunod na taon at matuldukan na ang kasalukuyang umiiral na mga kaso ng polio sa ilang mga komunidad sa bansa.

Nahahati sa dalawang bahagi ang naturang programa, kung saan ang unang bahagi ay isasagawa hanggang Nobyembre 25 sa Mindanao Regions, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley Region, MIMAROPA na binubuo ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan, at maging ang Bicol Region. Magsisimula naman ang pangalawang bahagi ng pagbabakuna sa Pebrero 2021 sa Visayas Regions, National Capital Region, Central Luzon, at Calabarzon.

Nauna nang sinabi ng DOH na hindi magkakaroon ng door-to-door immunization, bagkus ay maaaring pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga health center, ospital, at iba pang mga pasilidad na pansamantalang itatayo para sa nasabing hakbang.

Nanawagan din ang Pangulo sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan at iba pang community stakeholders na suportahan ang naturang inisyatiba ng Kagawaran.

“Together, let us safeguard the well-being of our children and ensure a healthier future for our nation,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Ang tigdas ay isa sa mga pinakanakahahawang sakit sa buong mundo. Maaari itong magdulot ng mataas na lagnat, pamamantal, ubo, impeksyon sa mata, o iba pang mga komplikasyon, tulad ng pneumonia, impeksyon sa tenga, pagkabulag, malubhang pagdudumi, at maging pamamaga ng utak.

Ang polio naman ay maaaring mauwi rin sa lagnat, at maging paninigas ng leeg, panghihina ng kalamnan, o kung hindi maaagapan ay maari itong humantong sa habambuhay na pagkaparalisa. Wala itong gamot kung kaya’t mahalaga ang pagbabakuna upang maiwasan ang sakit na ito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.