PRRD IGAGALANG ANG DESISYON NG SENADONG BAWIIN ANG EO NA NAGPAPABABA SA TARIPA NG IMPORTED NA BABOY

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nilinaw ng Palasyo ngayong araw, Abril 19, na irerespeto ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kahilingan ng senado na ipawalang-bisa ang Executive Order (EO) No. 128 na nagpapababa sa taripa ng mga imported na baboy at iba pang pork products. 

“Nakikinig naman po ang Presidente. At alam naman po ng Presidente na sa ating Saligang Batas ang talagang mayroong primary jurisdiction pagdating sa taripa ay ang Kongreso,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual press briefing.

Upang protektahan ang mga lokal na magbababoy sa pagkalugi, gumawa ng resolusyon ang Senate Committee of the Whole kung saan hinihiling nito sa Pangulo ang pagbawi nito sa naturang EO. 

Ayon kay Roque, nirerespeto ni Duterte ang kakayahan ng kongreso na i-withdraw o i-terminate ang kaniyang EO sa pamamagitan ng isang joint resolution.

“Kung magdedesisyon ang Kongreso natin, ang Senado at ang Kamara, na talagang bawiin yung executive order ng ating Presidente, ‘yan naman ay saklaw ng kapangyarihan ng Kongreso at rerespetuhin po ‘yan ng ating Presidente,” saad niya.

Siniguro din niyang pinagkakatiwalaan pa rin ng Pangulo si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa kabila ng rekomendasyon nitong ipasa ang EO na nagpapababa sa taripa ng imported na baboy. 

Sa kabila umano ng payo ni Dar, ipinaliwanag ni Roque na nasa kongreso pa rin umano ang pangunahing hurisdiksyon pagdating sa pagsasaayos ng taripa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.