PRRD INAPRUBAHAN NA ANG CASH AID PARA SA MGA LUGAR NA NASA ECQ

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang supplemental amelioration program para sa low-income earners sa Metro Manila at apat pang apektadong probinsya na nasa ilalim ng enhanced community quarantine hanggang Abril 4.

“‘Yung mga nadiskaril sa finances nila, ‘yung mga naghirap sa pera dahil hindi makalabas, dasal lang kayo. We will give you the ayuda,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Paglilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado, ipaaabot ng gobyerno ang tulong pinansyal sa mga lokal na pamahalaan upang ipaabot sa kani-kanilang mga nasasakupan.

“Wala po tayong cash dito. We will leave it to the local government units dahil sila po talaga ang first line na pinupuntahan ng mga tao, na sila ang mag-allocate nito,” ani Sec. Avisado.

Aabot sa 23 milyong low-income earners sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna ang makatatanggap ng isang libong piso. Hanggang apat na tao sa bawat pamilya lamang ang maaaring makatanggap ng tulong pinansyal na ito.

Ayon kay Sec. Avisado, maglalabas ang Department of Budget and Management ng 23 bilyong piso sa limang lugar na apektado ng ECQ at manggagaling ang pondong ito mula sa natirang pondo sa Bayanihan 2.

“Wala po tayong ginalaw na budget for this year dahil ito po ‘yung mga sobra na hindi pa natin nagagamit,” paglilinaw ni Sec. Avisado.

Kaugnay nito, inihayag rin ni Sec. Avisado na ang audit of funds ay katulad din umano ng ginawa noong nakaraang taon kung saan obligado ang mga lokal na pamahalaan na magsumite ng listahan ng mga benepisyaryo gayundin ng disbursement report upang matukoy kung paano nagastos ang pondo.

“Siguruhin nila na maibibigay nila, kung hindi mananagot po talaga sila, ang mayors natin. Sa kanila po nakasalalay ang madaliang pagbibigay ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan,” babala ni Sec. Avisado.

Inatasan naman ni Pangulong Duterte si Sec. Avisado na gamitin pa rin ang listahan ng mga benepisyaryo sa Bayanihan 1 upang mapabilis ang distribusyon ng naturang ayuda.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.