PRRD INATASAN ANG LGUs NA HANAPIN ANG MGA ‘DI PA KUMPLETO SA BAKUNA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na pamahalaan na hagilapin at kumbinsihin ang mga indibidwal na hindi pa kumpleto at nakatatanggap ng ikalawang dose ng bakuna.

Ito ay matapos iulat ng National Task Force Against COVID-19 na umabot sa 113,000 indibidwal ang hindi pumunta para sa kanilang ikalawang dose bunsod ng medikal at personal na rason.

“I want the authorities and the LGUs to find out why this is happening and to take steps to return to their… maimbyerna sila na madala ng mga barangay captain pati mayors,” atas ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa niya, “Kindly help us ferret out the persons who have not received the second booster until now.” 

Nanawagan din si Pangulong Duterte sa publiko na sundin ang payo ng mga eksperto.

“Nahihirapan talaga ako mag-convince sa mga Pilipino lalo na ‘yung matigas ang ulo. Kindly follow instructions. Hindi naman mahirap ‘yan, eh,” panawagan ng Pangulo.

Pinaalala rin ng Pangulo na hindi sapat ang isang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

“Kayong iisa lang, kulang ‘yan. Pakilinya lang uli for the second those because [your protection] is not complete without the booster,”  ani Pangulong Duterte.

Subalit, iginiit din niya na balewala ang kumpletong bakuna kung patuloy na susuway ang publiko sa itinakdang health protocols.

“It (vaccine) will give you a measure of protection, but it does not guarantee that you will not get COVID again. In spite of your vaccines, and boosters, please observe the basic protocol mask, hugas ng kamay, [and] social distancing,” paalala ng Pangulo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.