PRRD IPINAG-UTOS ANG PAGLULUNSAD NG COVID-19 VACCINE INFORMATION PROGRAMS

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na magsagawa ng “information programs” tungkol sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan. 

Ang naturang hakbang ay nais ipagawa ng Pangulo nang dalawang beses sa isang linggo. 

Ito ay matapos iulat ng Department of the Interior and Local Government na tatlo lamang sa bawat sampung mga residente sa Metro Manila ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na mabakunahan laban sa virus. 

Sinabi ni Pangulong Duterte nitong Lunes, Pebrero 15, na kailangan pang mas palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 at sa programa ng pamahalaan ukol dito. Aniya, nagkakaroon lamang ng pagkakataon ang publiko na marinig ang tungkol dito sa kaniyang lingguhang public address. 

“It does not come to you every day, so I have requested Secretary Galvez and si Secretary Roque, sila ang magdala sa public information. It should be given twice a week para you’ll be better informed of what [the] government is doing. ‘Yan siguro ang paraan diyan,” pahayag ng pinuno ng bansa. 

Inatasan ng Pangulo si Roque na pamahalaan ang nasabing hakbang upang mapaigting ang kumpiyansa ng publiko sa naturang mga bakuna. 

Tiniyak din niyang ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang mabigyang-pansin ang kampanya laban sa pandemya. 

“We are trying our best. We are in the process of really working towards the realization of our vaccine program,” saad ng Presidente. 

Noong Lunes din, sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na pumayag na ang Presidente na magpabakuna sa harap ng publiko upang mas madagdagan ang tiwala ng mga Pilipino ukol sa vaccination program ng bansa. 

Ayon pa kay Roque, may mga ilang opisyal din ng gobyerno na nagpahayag ng kanilang kagustuhan na maunang makatanggap ng bakuna para mas makumbinsi ang publiko tungkol sa pagiging ligtas at epektibo ng COVID-19 vaccines. 

Kasabay nito, umapela rin siyang huwag sana aniyang akusahan ang pamahalaan sa pagbibigay ng special treatment sa mga ito. 

“Gagawin lang natin ‘yan dahil nga kinakailangan mapataas natin ‘yung kumpiyansa ng ating mga kababayan na magpabakuna,” paliwanag ni Spokesperson Roque.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.