PRRD IPINAG-UTOS SA PHILHEALTH NA I-COVER ANG COVID-19 PATIENTS NA NASA TENT

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sagutin ang mga gastusin ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 na kasalukuyang nasa mga tent sa labas ng mga ospital. 

Ito ay matapos ilabas ang ulat na ang mga pasyente ay kailangang magbayad ng Php1,000 kada oras sa pamamalagi sa mga tent habang naghihintay na ma-admit sa kwarto sa mga ospital.

Sa isang virtual presser, nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang utos na ito ng Pangulo sa PhilHealth ay upang tiyakin na ang mga gastusin sa RT-PCR testing, isolation, at pagpapa-ospital ng mga COVID-19 patients na may mild at severe na sintomas ay kasama sa COVID-19 insurance package. Naatasan din umano ang PhilHealth na siguruhing ang mga pasyenteng nasa mga tent ay makakatanggap ng insurance.

“Kaugnay nito, kung ang tents ay kasama sa in-patient care, kailangan covered ito sa kasalukuyang in-patient Covid-19 package,” saad niya.

Nauna nang ihayag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite noong nakaraang linggo na napipilitan ang mga pasyenteng nasa temporary tents na magbayad ng Php1,000 kada oras.

Dagdag pa niya, ang temporary tent accommodation ng mga pasyenteng ito ay hindi sakop ng PhilHealth. 

Noong Abril 2, nilinaw ni PhilHealth president at chief executive officer na si Dante Gierran na ang mga serbisyong ibinibigay sa mga pasyente na sakop ng in-care patient care ay dapat sakop ng kasalukuyang in-patient COVID-19 packages.

Ayon kay Gierran, ang mga medical facilities na nagpapabayad ng Php1,000 kada oras sa mga pasyenteng nananatili sa mga tent ay iimbestigahan para sa posibleng paglabag sa batas.

Dagdag pa niya, sa ilalim na patakaran ng PhilHealth, ang mga pasyente ng COVID-19 ay nakatakdang makatanggap ng insurance sa RT-PCR, isolation, at hospitalization para sa mild hanggang critical na COVID-19 cases.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.