PRRD IPINAHAYAG ANG SUPORTA SA DIGITAL PLATFORM NG MMFF

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“The Metro Manila Film Festival (MMFF) has given us memorable films that convey the richness of our culture and heritage. This year, festival entries will be shown online so that you can see them with your families in the safety of our homes. May the festival continue to be a beacon of hope for the advancement of the Philippine cinema and for the growth as a nation.”

Ito ang mensaheng ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pre-recorded speech na ini-upload sa official Facebook page ng MMFF.

Pinuri ng Pangulong Duterte ang naturang taunang festival na kaniyang kinilala bilang “pioneer and foremost industry event that showcases the best Filipino filmmaking, and how it compares with the rest of the world”.

Dagdag pa ng Pangulo, sa pamamagitan ng nasabing festival, na nagsimula noong 1975, nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na mas masayang maipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Sa ika-46 na taon nito ngayong 2020, handog ng MMFF ang sumusunod na 10 official entries nito na may samu’t saring tema: “Magikland”, “Coming Home”, “The Missing”, “Tagpuan”, “Isa Pang Bahaghari”,  “Suarez, the Healing Priest”, “Mang Kepweng”, “Ang Lihim ng Bandang Itim”, “Pakboys Takusa”, “The Boy Foretold by the Stars”, at “Fan Girl”.

Ang mga ito ay mapapanood online simula sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25, hanggang sa Enero 7, 2021, sa Upstream.ph.

Ipinarating naman ni Metropolitan Manila Development Authority at MMFF Overall Chairman Danilo Lim ang kaniyang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, malaking tulong ang mensahe ng Pangulo upang lalong maiangat ang kamalayan at interes ng mga Pilipino sa nasabing festival.

“We thank President Duterte for his words of encouragement for this year’s MMFF. His message is a morale booster to the local film industry that has been trying to survive amid the uncertainties brought by the COVID-19 [Coronavirus disease 2019] pandemic,” ani Chairman Lim.

Katuwang ng MMFF ang Globe, Upstream at GMovies sa aktibidad na ito.

Ayon pa kay Lim, bagama’t mapapanood online ang nasabing mga pelikula, mayroon naman aniyang anti-piracy safeguards na nakapaloob sa mga ito upang masigurong mapipigilan ang mga insidente ng illegal streaming. Ito ay sa tulong ng kampanyang #PlayItRight ng Globe.

“The best way we could help our local moviemakers and producers is by not engaging in movie piracy. We encourage everyone to report illegal streamers and streaming sites,” saad ni Lim.

Bilang pagsunod pa rin sa health at safety protocols laban sa COVID-19, ipapalabas din online ang Parade of Stars at Gabi ng Parangal.

Ang MMFF ay taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing Kapaskuhan upang maiangat ang pelikulang Pilipino. Ang kikitain mula rito ay mapupunta sa mga benepisyaryo ng industriya ng pelikula.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.