PRRD NANINDIGANG KAILANGANG BUKSAN ANG EKONOMIYA SA KABILA NG PAGTAAS NG KASO NG COVID-19 SA BANSA

Ni Monica N. Ladisla
Source: Presidential Photographers Division
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatiling bukas ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng biglaang pagdami ng bagong kaso ng COVID-19  sa bansa.

Sa nagdaang televised speech ng Pangulo, inamin niyang hindi na kakayanin ng gobyernong ibalik sa mas istriktong quarantine classification ang bansa kung kaya’t kailangan na lamang nilang balansehin ang sitwasyon sa kasalukuyan.

“Kung sarahan mo naman ‘yan lahat, medyo tagilid na ang ekonomiya, and that’s a problem. It will be a disaster for the country, so balance balance na lang tayo,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Naalarma rin ang Pangulo sa bilang ng nagpositibong kaso noong Lunes, Marso 22 na aniya’y tila mas mataas pa sa mga naitalang kaso noong nakaraang taon.

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, tumaas ang kaso ng COVID-19 dahil sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya pati na rin ang pagpasok ng bagong variants ng COVID-19 sa bansa.

“Tanggap nating hirap na rin ang mga kababayan dahil sa mahabang kwarantina kaya minabuti natin na buksan ang malaking aspeto ng ekonomiya na nagdulot ng increased mobility ng mga tao. At yung increased mobility ng mga tao ay nagdulot ng increased transmission, increased contact rate,” paliwanag ni Sec. Duque.

Bukod pa rito, inihayag din ni Sec. Duque ang naging obserbasyon niya sa publiko partikular na sa mga pampublikong lugar, kung saan hindi umano maayos ang pagkakasuot ng face mask at face shield at pawang mga “token of compliance” lamang ang mga ito.

Nauna na ring inanunsyo ng Palasyo na walang financial assistance para sa mga pamilyang apektado ng dalawang linggong quarantine bubble sa Metro Manila at sa mga karatig nitong probinsya sapagkat hindi umano ipinagbawal ang pagpasok sa trabaho.

“In terms of ‘yung sinasabi mong ayuda na gaya ng binigay natin sa ECQ, dahil hindi naman po natin pinipigil magtrabaho ang ating mga kababayan eh hindi na po tayo dapat magbigay ng ganong ayuda,” paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.