PRRD NATANGGAP NA ANG KANYANG NATIONAL ID

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Matapos makuhanan ng kaniyang biometrics at personal data noong Enero ng kasalukuyang taon ay natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang sariling national identification (ID) card nito lamang gabi ng Miyerkules, Marso 3.

Personal na iniabot ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua ang naturang national ID ng Pangulo bago magsimula ang ika-53 na pagpupulong ng gabinete ng Pangulo sa Palasyo. 

Nilagdaan ng Presidente ang Philippine Identification System Act (PhilSys) noong Agosto 2018 upang ito ay maisabatas at makabuo ng isang national ID system para sa mga Pilipino at mga dayuhang naninirahan sa bansa. 

Layunin ng PhilSys na mas gawing maayos ang paghahatid ng pamahalaan ng serbisyo-publiko at mas mapadali ang mga transaksyon sa mga pampubliko at pribadong sektor. 

Sa pamamagitan din ng national ID ay inaasahan na masusugpo ang pandaraya at mga kaso ng red tape o labis na pagsunod sa burukrasya na nagiging dahilan ng pagkaantala ng mga serbisyo ng pamahalaan para sa mga mamamayan. 

Ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA), na siyang namamahala sa pagpapatupad ng nabanggit na proyekto, nasa 20 milyong Pilipino na ang nakatapos sa proseso ng pre-registration para sa national ID. 

Nagsimula ang nasabing pre-registration noong Oktubre 2020 sa 32 na probinsya sa bansa na may mababang kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19. 

Sa katapusan ng kasalukuyang buwan ay inaasahan namang matatapos na ang pagbabahay-bahay ng PSA para sa nasabing proyekto, at sa Abril ay bubuksan na sa publiko ang unang hakbang ng mismong national ID registration.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.