PRRD PINAKA-PINAGKAKATIWALAANG OPISYAL NG GOBYERNO SA GITNA NG PANDEMYA

Ni Raiza F. Cabugwang
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nananatili pa rin bilang pinaka-pinagkakatiwalaan at aprubadong opisyal ng gobyerno sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mabigat na krisis na kinakaharap ng kaniyang administrasyon bunsod ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Setyembre 14 hanggang 20 ng taong ito. 

Mula sa 1,200 na sumagot sa nasabing survey, nakakuha ang Pangulo ng 91 porsyentong approval rating — mas mataas ng apat na porsyento kung ikukumpara sa rating na natanggap niya noong Disyembre 2019, isang buwan bago maitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa limang porsyento lamang ng mga sumali sa survey ang hindi kuntento sa performance ng Pangulo, habang limang porsyento naman ang hindi nagpahayag ng kanilang pasya. 

Ayon pa sa survey, umani rin ang Presidente ng 91 porsyentong trust rating, kung saan pinaka-kinakitaan ang mga Pinoy ng tiwala sa Pangulo mula Disyembre 2019 at Setyembre ng taong ito, hindi lamang sa national level (+8 percentage points), kung hindi pati na rin sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon (+12 hanggang +14 percentage points).

Sa isang media briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malaking rason kung bakit mataas ang nakuhang rating ng Pangulo ay ang aniya’y klase ng pamumuno o leadership style nito sa gitna ng pandemya.

“Ang pangako po talaga ng Presidente, gagawin niya ang lahat para makabangon po tayo sa pandemyang ito at isasantabi po talaga niya ang pulitika,” pahayag ni Spokesperson Roque.

Samantala, nakatanggap naman ng 57 porsyentong approval rating si Vice President Leni Robredo — mas mababa ng isang porsyento kumpara sa kaniyang nakuha sa parehong survey na isinagawa sa katapusan ng nakaraang taon. Bumaba rin ng tatlong porsyento ang kaniyang trust rating noong Setyembre sa kabila ng iba’t ibang inisyatiba ng kaniyang tanggapan upang labanan ang COVID-19.

Nasa 84 porsyento pa rin ang natamong approval rating ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III — parehas lamang sa rating na naabot niya noong Disyembre ng nagdaaang taon.

Kinakitaan naman ng pagbaba rin ng kaniyang approval at trust ratings si House Speaker Alan Peter Cayetano na nasa gitna ng isyu ng hindi pagkakasundo hinggil sa liderato sa Kamara de Representante. Nasa 70 porsyento lamang ang kaniyang approval rating — mas mababa ng 10 porsyento kaysa sa nakuha niya noong nagdaang survey. Ang kaniyang trust rating ay dumausdos din — mula sa dating 76 porsyento, ngayon ay nasa 67 porsyento na lamang ito.

Si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta naman na itinalaga bilang Punong Mahistrado noong Oktubre 2019 ay nakasungkit lamang ng 44 porsyentong approval rating at 39 porsyentong trust rating. Ito ay dahil sa nasa 68 porsyento lamang ng kasali sa survey ang nakakakilala sa kaniya at sa kaniyang posisyon sa Korte Suprema.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.