PRRD PINANATILI ANG DESISYONG PANSAMANTALANG IBABA ANG TARIPA NG IMPORTED NA BABOY

Ni Ivy Atompag
Photo: PIA NCR
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Palasyo kahapon, Abril 20, na pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon nitong pansamantalang ibaba ang taripa ng mga imported na baboy at iba pang pork products. 

Ito ay sa kabila ng pag-apela ng senado na bawiin ng Pangulo ang Executive Order (EO) 128 na pansamantalang nagpapababa sa tariff rates ng mga imported na produktong baboy. 

Sa isang online press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagdesisyon ang Pangulong sundin ang rekomendasyon ng kaniyang economic team at ng Department of Agriculture (DA) na pababain ang pork tariffs. Layunin umano ng desisyong ito na itaas ang pork imports hanggang 400,000 metric tons (MT) ngayong taon upang madagdagan ang suplay ng karne ng baboy sa bansa. 

“Ang sabi naman ng Presidente, ito po ay number one, para maibsan nga ‘yung kakulangan ng supply na naging dahilan kung bakit naging napakamahal ng baboy sa palengke,” paliwanag ni Roque. 

Ayon pa kay Roque, ang pagpapababa ng taripa sa mga imported na pork products ay makatutulong din upang mapababa ang inflation rate ng bansa dahil ang karne ang pangunahing nag-aambag sa overall inflation.

Aniya, ang pansamantalang pork tariff reduction ay maaaring makatulong na pababain ang inflation rate sa 3.8 percent mula sa 4.2 percent na naitala nitong Marso.

“Ang mensahe ni Presidente po, temporary po itong kanyang pinayagan na mag-akyat ng MAV at temporary din po itong pagbaba ng taripa,” he said.

Sa isang pre-recorded meeting kasama ang kanyang gabinete noong Abril 19, sinabi ni Duterte na handa siyang ipawalang-bisa ang EO 128 kapag tumaas na uli ang suplay ng baboy na kayang i-produce ng bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.