PRRD: ‘Pinas posibleng mangutang sa China, Russia para sa COVID-19 vaccine’

Ni Raiza F. Cabugwang
(Photo credit: TASS Russian News Agency)

Sa kanyang public address noong Lunes, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng humingi ang Pilipinas ng credit line sa Russia at China kung sakaling magiging malaki ang halagang gugugulin sa pagbili ng bakunang magsisilbing proteksyon laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ipinahayag ng Pangulo ang kaniyang pasasalamat sa dalawang bansa sa kanilang pagnanais na mabigyan ang Pilipinas ng COVID-19 vaccine sa oras na maaari na itong ipamahagi sa publiko.

Gayunpaman, iginiit ng Pangulo na hindi magiging libre ang bakunang posibleng magmula sa dalawang bansang nabanggit dahil na rin sa gastos at pagsisikap na kaakibat sa pagbuo nito.

“Bibilhin natin ‘yan. Kaya lang kung mahal, if it is quite expensive, then I will ask the — my friend President Putin and President Xi Jinping to give us a credit, parang utang, a credit line, but we will pay not in one payment, but by installment. Basta ang sinasabi ko magbayad tayo. Hindi ito libre,” paglalahad ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, makikiusap aniya siya sa Russia at China upang makahiram ng pera ang Pilipinas para sa naturang bakuna bunsod ng “economic hemorrhage” na kasalukuyang hinaharap ng bansa. 

Matatandaan ding noong nakaraang Linggo ay nagboluntaryo ang Pangulo na maging kauna-unahang babakunahan ng Sputnik V, ang COVID-19 vaccine na binuo ng Gamaleya National Center of Epidemiology and Microbiology ng Russia. Ito ay upang maipakita ng Pangulo ang pasasalamat at tiwala niya sa pag-aaral na ginawa ng Russia ukol sa bakuna at masigurong ligtas ito para sa mga Pilipino.

Sa kabila nito, kinakailangan pang pumasa ng nasabing bakuna sa huling bahagi ng clinical trials. Kaugnay nito, makikibahagi ang Pilipinas sa Phase 3 clinical trials na sabayang isasagawa rito sa bansa at sa Russia mula Oktubre ng taong ito hanggang sa Marso 2021.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health ngayong araw, pumalo na sa 173,774 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa na may naitalang 4,650 na panibagong kaso. Samantalang ang kabuuang bilang ng naka-recover ay umabot sa 113,481 ⁠— 716 sa mga ito ay kakarecover lamang. Nasa 2,795 naman ang bilang ng mga nasawi sa virus, at 111 sa mga ito ang naitala ngayong araw.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.