PRRD PINAYAGAN NA ANG FDA NA MAGLABAS NG EMERGENCY USE AUTHORIZATION PARA SA GAMOT, BAKUNA KONTRA COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules, Disyembre 2, ang Executive Order No. 121 na nagbibigay-kapangyarihan sa Food and Drug Administration na maglabas ng emergency use authorization (EUA) kaugnay sa paggamit ng bakuna o gamot laban sa COVID-19.

Sa bisa ng executive order na ito, maaari nang maaprubahan ang paggamit ng isang COVID-19 vaccine sa loob lamang ng 21 na araw, imbes na sumailalim ito sa nakagawiang proseso na aabutin ng hanggang anim na buwan.

Sa ilalim din ng naturang kautusan, ang gamot o bakuna laban sa COVID-19 ay maaari lamang mabigyan ng FDA ng EUA kung sadyang makatwiran na paniwalaang ito’y magiging epektibo sa pag-iwas, pagtukoy, o paggamot ng nasabing virus; kung mas higit ang mga benepisyong hatid nito kaysa sa maaaring panganib na maaaring magmula rito; at kapag wala pang sapat, aprubado, o makukuhang alternatibong pamalit nito.

Magiging mabisa lamang ang ibinigay na EUA sa isang drug o vaccine maker habang umiiral pa ang public health emergency sa bansa bunsod ng COVID-19. Maaari rin naman itong bawiin ng FDA upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Nabanggit din sa nasabing executive order ng Pangulo na nararapat na magpulong ang mga eksperto sa pagbuo ng mga gamot at bakuna upang masuri ang kaligtasan at bisa ng COVID-19 drugs o vaccines. Kinakailangan namang isumite ng mga eksperto ang ulat kaugnay sa kanilang pagsusuri kay FDA Director General Eric Domingo.

Ikinatuwa naman Dir. Gen. Domingo ang naturang pasya ng Pangulo at aniya’y maglalabas ang kanilang kagawaran ng mga panuntunan ukol dito sa lalong madaling panahon

“We at the FDA will do our best to help make safe and efficacious COVID-19 vaccines available in the Philippines,” pahayag ni Domingo.

Siniguro rin ng pinuno ng FDA na hindi makokompromiso ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng pagpapabilis ng proseso sa paglalabas at paggamit ng COVID-19 vaccines.

Pinapaigting na aniya ng FDA at ng Department of Health ang kanilang vaccine monitoring efforts upang agad na matukoy ang mga posibleng magiging masamang epekto ng bakuna sa kalusugan ng isang indibidwal.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.