PRRD pormal nang tinanggap ang pagbibitiw ni Morales

Ni Raiza F. Cabugwang

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at Chief Executive Officer Ricardo Morales nitong Miyerkules.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health Secretary Francisco Duque III sa isang press conference, kung saan nabanggit niyang ang kalagayan aniya ng kalusugan ng nagbitiw na pinuno ng PhilHealth ang dahilan kung bakit tinanggap niya at ng Pangulo ang desisyon nitong bumaba sa pwesto.

“Tinanggap po natin at ni Pangulo ang kaniyang pagbibitiw sa pwesto dahil po sa kanyang kalusugan. Alam po ng lahat na siya po ay may cancer, ito pong lymphoma,” saad ng Kalihim. 

Nakausap aniya ni Health Secretary Duque ang doktor ni Morales sa Cardinal Santos Medical Center at sinabi nitong hindi talaga puwedeng patuloy ang pagganap ng huli sa kaniyang tungkulin nang hindi nakukompromiso ang kaniyang kalusugan, lalo pa’t invasive aniya ang kanser nito. 

Mababatid na una nang nagsumite si Morales ng kaniyang resignation letter nitong Miyerkules matapos sabihin ng Pangulo sa kaniyang public address na makabubuting lisanin na ng PhilHealth chief ang kaniyang pwesto sa gitna ng kritikal na kalagayan na kinakaharap ng ahensya.

Kasalukuyang gumugulong ang imbestigasyon sa alegasyon ng umano’y pagbubulsa ng PhilHealth officials sa P15 bilyong pondo ng tanggapan, isyu ng overpriced information and communications technology equipment, at pagpabor sa ilang ospital, mga bagay na itinanggi naman ni Morales.

Ayon pa kay Sec. Duque, target na mahanapan ng kapalit si Morales sa loob ng isang linggo. 

“Ang qualification, siyempre marunong sa finance dahil ang tagumpay ng PhilHealth ay nakasalalay sa actuarial sustainability. Kung maalam sa accounting, mas magaling. May background sa legal, magaling din [iyon],” paglalahad ng Kalihim ukol sa mga kwalipikasyon na hinahanap sa hahaliling pinuno ng PhilHealth.

Dagdag pa ni Sec. Duque, tinanggap din ni Pangulong Duterte ang inihaing resignation letter ni PhilHealth Senior Vice President for the Legal Sector Rodolfo del Rosario, Jr.

“Personal ang kaniyang kadahilanan, dahil doon sa six-month preventive suspension [na inihain ng Office of the Ombudsman], hindi niya kayang buhayin ang pamilya niya na naghihintay ng anim na buwan kaya minabuti niya na magbitiw at maghanap ng ibang trabaho,” pagbubunyag ng Kalihim.

Gayunpaman, tiniyak ni Sec. Duque na ang pagbibitiw ng naturang mga opisyal ng PhilHealth ay hindi nangangahulugang ligtas na ang mga ito sa imbestigasyon ukol sa mga alegasyon ng korapsyon sa ahensya.

“They will have to cooperate, they have to make themselves and documents available as long as the investigation is ongoing. That [resignation] will not exempt them from obligations,” paglilinaw niya.

Habang naghahanap pa ang Pangulo ng ipapalit sa pwesto ni Morales, tiniyak naman ng DOH na sisiguruhin ni Officer-in-Charge Arnel de Jesus na hindi maaantala ang kasalukuyang operasyon sa PhilHealth. 

Dati nang nagsilbing executive vice president at chief operating officer ng ahensya si De Jesus.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.