PRRD sa mga LGU lider: Maglaan ng PONDO PARA SA PAGKAIN NG VOLUNTEERS sa 3-day nat’l vax drive

Ni M.L.
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na pinuno na pondohan ang pagkain ng mga lalahok sa gaganaping three-day vaccination drive ng gobyerno.

Aniya, isa umano ito sa mga paraan niya upang makumbinsi ang taumbayan na magpabakuna sa mga naturang araw.

“‘Yung namang pupunta sa Jollibee [para magpabakuna] saka sa McDonald’s tapos parang gutumin, walang pera, tapos maamoy niya ‘yang karne diyan, I am authorizing all governors and mayors, gumastos na lang kayo ng pera, papalitan ko lang ‘yan balang araw, pakainin na lang sila,” ani Pangulong Duterte.

Nakatakdang isagawa ang nationwide vaccination drive sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 kung saan inaasahang aabot sa 15 milyong katao ang mababakunahan sa mga araw na ito.

“I have directed all government agencies and instrumentalities to extend all possible support for this ‘Bayanihan, Bakunahan’ program,” atas ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa niya, “I urge all NGAs, as well as provincial and LGUs to use all available resources, especially human resources to help in the vaccination efforts during this three-day vaccination.”

Umapela rin si Pangulong Duterte sa mga lokal na pinuno na hikayatin at dalhin ng mga ito ang kanilang nasasakupan sa mga vaccination site sa mga mall at ospital.

“Kung maaari pakainin ninyo, tutal one-time lang naman ‘yan, para sa bayan. Gawain mo para sa bayan,” pakiusap ni Pangulong Duterte sa mga lokal na pinuno.

Samantala, nagpasalamat din si Pangulong Duterte sa tulong na ibinigay ng pribadong sektor kabilang na ang mga food chains at ospital para sa preparasyon ng mga ito sa isasagawang vaccination drive.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.