LUNGSOD NG QUEZON — Karagdagang checkpoints ang iniutos ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield sa lahat ng police commanders sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na magbabalik sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Agosto 4.
Mula provincial at regional borders ay magkakaroon na muli ng city at municipal quarantine control points ang mga kapulisan pagpalo ng MECQ sa mga naturang lugar.
Kasabay nito ay ang pagbabalik ng quarantine pass para sa isang tao kada bahay na inaasahang muling ipatutupad ng lokal na pamahalaan.
“We will be implementing stricter measures in areas under MECQ for 15 days starting midnight. This is not something new to our kababayan in Metro Manila and the four nearby provinces because we have been under this community quarantine before so what we are asking for is cooperation of everybody,” paliwanag ni PLt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield.
Sa ilalim ng MECQ, tanging authorized persons outside residence lamang o isang tao kada sambahayan na may quarantine pass ang pwedeng lumabas para bumili ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain alinsunod na rin sa safety protocols na pananatili sa bahay at iwas pamamasyal.
“We highly encourage them to buy food and avail other basic goods and services in their respective communities because they will not be allowed to pass the Quarantine Control Points which we will set up anew at the borders of cities and municipalities of Metro Manila and the four provinces that would be reverted to MECQ,” dagdag pa ni PLt. Gen. Eleazar.
Hinihintay pa sa kasalukuyan ang desisyon kung pahihintulutan pa rin ang motorcycle back riding.
Inaasahang tatagal ang MECQ hanggang Agosto 18.