PWERSA NG KAPULISAN PAIIGTINGIN SA MGA MATATAONG LUGAR NGAYONG KAPASKUHAN

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Focus namin ay iyong areas of convergence — ito iyong malls, public markets, ports, seaports, terminals. Dito sa areas na ito, ipinag-utos ng ating hepe na dagdagan ang tao, doblehin ang ating police visibility o deployment.”

Ito ang inilahad ni Joint Task Force Coronavirus disease (COVID) Shield Commander Cesar Binag kaugnay sa pagpaparami ng bilang ng mga kapulisan na tututok sa paghihigpit ng seguridad sa mga matataong lugar upang matiyak na sumusunod ang publiko sa minimum health standards, lalo na ngayong Kapaskuhan.

Ito ay matapos kumalat sa social media noong nakaraang buwan ang mga larawan ng mga mamimili sa Divisoria sa Maynila na hindi sumusunod sa social distancing protocols na itinakda ng pamahalaan.

Ani Binag, nagtalaga na ang kaniyang pwersa ng mas marami pang kapulisan sa naturang pamilihan. Nasa 229 na parak aniya ang kasalukuyang nakadestino sa lugar.

Samantala, sinabi ng Department of Health (DOH) na inihahanda na nito ang contingency plans na isasagawa sakaling biglang tumaas ang bilang ng kaso ng nahawaan ng virus pagkatapos ng pagdiriwang ng Kapuskuhan.

Walang humpay rin sa pagpapaalala ang DOH sa publiko na limitahan ang mga pagtitipon sa pagitan lamang ng mga magkakasama sa iisang bahay, iwasan ang pagdalo sa social events, at ipagpaliban muna ang mga planong pagbiyahe.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.