RAPE SUSPECTS NG MENOR DE EDAD, NAKIPAGSAGUPAAN SA PULIS 1 PATAY, 1 SUGATAN HABANG NAKATAKAS ANG IBA PA

Ni Trish Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Patay ang isa sa apat na rape suspects ng apat na taong menor de edad sa Cebu nang makipagbarilan sa mga pulis nitong Abril 23.

Natigok si Arnel Cabahug Capangpangan, 35, samantalang sugatan naman ang isa pa na si Marlou Cabahug Capangpangan, 25, sa naging palitan ng putok sa mga maghahain sana ng warrant of arrest na mga operatiba ng AKG Visayas Field Unit, Iligan City PS, Maritime Group, at Liloan PS. Nakatakas naman ang dalawa pang nakilalang sina Ariston Capangpangan, Sr. at Ariston Capangpangan, Jr.

Subject ang apat ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Anisah B. Amanodin-Umpa ng RTC Br. 02 Family Court, Lanao Del Norte dahil sa kasong statutory rape.

Nagpaputok diumano si Arnel gamit ang Colt .45 caliber pistol na tumama sa kanang tiyan ni Police Lieutenant Zosimo Ravanes, Jr. Nang tangkain ng suspek na habulin pa ang tinamaang lider ng AKG Visayas Field Unit, hinabol at pinaputukan na rin siya ng iba pang miyembro ng arresting team na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Naitakbo naman agad si Police Lieutenant Ravanes sa University of Cebu Medical Center at nasa stable nang kondisyon.

Ayon sa imbestigasyon, nagpaputok din si Marlou gamit ang isang North American Black Widow cal. 22 magnum kay VFU Police Corporal Rodessa Medallo. Hindi tinamaan ang pulis na ibinalik ang putok bilang self-defense. Itinakbo ang tinamaang suspek sa Eversley Hospital.

Miyembro diumano ang apat ng Tadtad Group at suspects dahil sa panggagahasa sa batang babae na kapitbahay nila sa Iligan City, Misamis Oriental noong 2018. Ipinagkatiwala diumano ang bata ng mga nagsisipagtrabahong magulang nito sa mga suspek.

Nagtago diumano ang mga suspek sa Liloan, Cebu kung saan na sila natagpuan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.