RESIDENTE NG MAYNILA NA NAGBAKASYON SA PROBINSYA, KAILANGANG SUMAILALIM SA SWAB TEST

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Simula ngayong Sabado, Enero 2, mahigpit nang ipatutupad sa Lungsod ng Maynila ang pagsasagawa ng swab test o RT-PCR test sa mga residente nitong babalik sa lungsod matapos ang holiday break upang maagapan ang pagkalat ng virus sa siyudad.

Naglabas na ng memorandum ang Manila Health Department kung saan nakapaloob ang mandato sa mga residente ng Metro Manila na sumailalim muna sa swab test bago makauwi sa kani-kanilang mga barangay.

“Upang maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila pagkatapos ng panahon ng kapaskuhan, ang lahat ng tao na babalik sa ating lungsod simula Enero 2, 2021 ay kinakailangan na sumailalim sa RT-PCR o swab test bago tanggapin sa kanilang barangay,” saad sa nasabing memorandum.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga residente ng Maynila sa mga sumusunod na swabbing facilities:

  •   District 1 – T. Paez Quarantine Facility (09618977816/09286731715)
  •   District 2 – Patricia Sports Complex Quarantine Facility (09179609112)
  •   District 3 – Arellano Quarantine Facility (09184044627)
  •   District 4 – Dapitan Sports Complex Quarantine Facility (09516729122)
  •   District 5 – San Andres Sports Complex Quarantine Facility (09178031925)
  •   District 6 – Bacood Quarantine Facility (09461430364/09086877105)

Ayon pa sa Manila Health Department, maaari umanong pansamantalang tumuloy ang mga residente sa quarantine facilities upang hintayin ang resulta ng kanilang test na tinatayang aabot sa isa hanggang dalawang araw bago mailabas.

Para sa mga nagpositibo sa virus, agaran silang dadalhin sa isang COVID-19 quarantine facility. Bibigyan naman ng medical certificate ang mga nagnegatibo sa virus upang magamit na clearance sa kanilang barangay bago sila payagang makauwi sa kani-kanilang mga bahay.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.