RT-PCR TEST, HINDI NA KAILANGAN PARA SA MGA PAPASOK NG BANSA BASE SA BAGONG TESTING RULES

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa gitna ng banta ng bagong variants ng COVID-19, naglabas ang pamahalaan ng panibagong COVID-19 testing protocols para sa lahat ng mga pasaherong papasok ng bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) at kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang lahat ng mga indibidwal na papasok ng bansa ay hindi na kinakailangang sumailalim pa sa reverse transcription polymerase chain reaction o RT-PCR test pagdating nila sa Pilipinas. Sa halip, sila ay nararapat na magtungo sa isang quarantine facility at sumailalim sa swab test limang araw pagkarating nila ng bansa, kahit saang teritoryo pa man sila manggaling.

Ang naturang bagong panuntunan ay magiging epektibo simula sa darating na Pebrero 1.

“Arriving passengers, regardless of their origin, shall be required to undergo facility-based quarantine upon arrival. They shall then undergo RT-PCR test on the fifth day from their date of arrival in the country, unless the passenger shows symptoms at an earlier date while on quarantine,” pahayag ng tagapagsalita ng Pangulo.

Samantala, sinabi ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang naunang protocols ay binago para magkaroon ng mas maayos na proseso ukol dito. 

Gayunpaman, maaari pa rin aniyang suriin ang mga pasahero pagkarating nila ng bansa kapag sumama ang kanilang pakiramdam o magpakita sila ng sintomas na may kinalaman sa trangkaso. 

Ang mga pasaherong magnenegatibo sa COVID-19 test limang araw matapos silang dumating ng bansa ay i-eendorso naman sa kanilang pupuntahang local government unit, kung saan kinakailangan nilang kumpletuhin ang mga natitirang araw ng kanilang 14-day mandatory quarantine. 

Matatandaang ang mga pasaherong Pilipino, banyaga na may valid diplomatic visas o iyong mga nagtratrabaho sa bansa, at mga asawa at anak na kasama ng Pilipinong balikbayan na magmumula sa 36 na bansa na may kumpirmadong kaso na ng bagong COVID-19 variants lamang ang sakop ng dating utos na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.