Inulit ng Supreme Court (SC) ang health protocol requirements para sa mga mamamahayag na magcocover sa pagpapatuloy ng oral arguments para sa Anti-Terrorism Act sa March 23.
Ayon sa Supreme Court, kakailanganin ng mga dadalo sa oral arguments na magpasa ng resulta ng kanilang rapid antigen o RT-PCR test na kinuha 72 oras bago ang oral arguments upang makapasok sa loob.
“Non-compliance would mean you would be refused entry inside the SC, no exceptions,” saad ng SC sa pahayag nito.
Bukod dito, istriktong ipinapatupad din ng SC ang ibang safety protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.
“Wearing appropriate masks (surgical face mask, N95, KN95) and face shields (clear, non-tinted) and practicing social distancing are a must inside the SC,” pag-uulit nito.