SEATING CAPACITY SA PAGBUBUKAS NG MGA SINEHAN, WALA PANG PINAL NA DESISYON — MMDA

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinang-ayunan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Sabado ang pagtutol ng Metro Manila Council (MMC) sa pagbubukas ng mga sinehan sa National Capital Region lalo na dahil umano’y wala pang aprubadong seating capacity para sa ganitong establisyimento. 

Gayunpaman, sa isang pahayag, sinabi ni MMDA chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na kung mapagdedesisyunan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na buksan nang muli ang mga sinehan ay nakahandang sumunod at tumulong sa paggawa ng mga patakaran ang MMC para dito. 

“The Metro Manila mayors are united that now is not the right time to reopen the cinemas. However, we will support and respect the final decision of President Duterte on the matter,” saad ni Abalos.

Kasunod naman ng ulat na tinitingnan ng MMDA ang pagkakaroon ng 20 hanggang 30 percent na seating capacity, nilinaw naman ni Abalos na ang mga alkalde ng iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at hindi ang MMDA ang magtatakda ng seating capacity ng mga sinehan sa kani-kanilang nasasakupan.

“They have full discretion as to the guidelines. The 20 to 30-percent seating capacity mentioned in the article was just the suggestion of the economic team and not in any way the proposal of MMDA,” paliwanag ni Abalos.

Nauna nang inanunsyo ng IATF-EID ang posibleng pagbubukas ng iba’t ibang establisyimento at aktibidad tulad ng mga sinehan, arcades, at mga conference kasabay ng unti-unting pagluwag ng guidelines at restrictions dahil sa pandemya upang tulungang makabangon ang ekonomiya ng bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.