SEC. LORENZANA SA MGA KRITIKO: HUWAG BAHIRAN NG PULITIKA ANG BAKUNANG GALING CHINA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakiusap si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga kritiko ng gobyerno na huwag bahiran ng pulitika ang donasyong bakuna ng bansang China sa Pilipinas.

Ayon kay Lorenzana, ang mga kritiko ring ito ang mismong nagpapakalat ng kasinungalingan tungkol sa Sinovac vaccine at mariin niyang ipinahayag na sa mga ito na, “Now is not the time to play doomsayer. Now is not the time for games, and most [especially,] now is not the time for politics.”

Dagdag din niya, “This is just the first brand to arrive, among other brands that are scheduled. Don’t politicize the vaccine donation, and use it as a political propaganda. Hindi maganda. It reflects badly on us as a nation.”

Wala rin umanong magandang patutunguhan kung patuloy na hahanapan ng mali ang bakunang gawa ng Sinovac dahil lamang galing ito sa bansang China.

Iginiit din niyang matagal nang tumatanggap ang bansa ng epektibo at abot-kayang anti-rabies, anti-tetanus, at flu vaccine sa Sinovac mula pa noong 2009.

“Ginagalit, tinatakot pa ng iilan ang mga tao sa kinakalat nilang mga fake news. Please stop. Tama na muna ang pulitika. On the other hand, criticizing the vaccine without really knowing the technical facts will only discourage our people from joining the vaccination program,” mariing pahayag ni Sec. Lorenzana.

Wala rin umanong hininging kapalit ang bansang China mula sa ibinigay nitong donasyon sa gobyerno.

Sa kabila nito, hinimok pa rin ni Sec. Lorenzana ang mga kritiko na tumulong na lamang sa gobyerno upang tumaas ang vaccine confidence ng bansa.

“As our government rolls out its vaccination program, let us all work together to make it successful. Let us encourage our people to participate in the program and have themselves vaccinated,” ani Sec. Lorenzana.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.