Inaprubahan na ng Senado kahapon sa huling pagbasa ang panukalang batas na magpapalawig sa jurisdiction ng Regional Trial Courts (RTCs) at Municipal Trial Courts (MTCs).
Ang Senate Bill No. 1886 ay nakakuha ng 22 positive votes at 2 negative votes nang walang abstention sa senado.
Ayon kay Senador Richard Gordon, inaasahang babawasan ng SBN 1866 ang mga nakabinbing court dockets ng Regional Trial Courts sa bansa at papabilisin nito ang pagproseso ng mga kaso.
Sa pamamagitan ng pagpapalawig ng jurisdictional threshold ng mga MTC ay mababawasan ang mga nakabinbing dockets sa RTC.
Ayon sa Office of the Court Administrator ng Supreme Court (SC), mayroong 21,269 na pending civil cases sa mga MTC habang 108,484 naman sa mga RTC base sa kanilang record noong December 2018.
“The data shows that our first level courts have a lower number of pending cases at the end of the year compared to that of our second level courts. To help unclog the dockets of our second level courts and to equalize the burden between the first level courts and the second level courts, we are proposing to raise the jurisdictional threshold of our second level and first level courts,” paliwanag ni Gordon.
Dagdag pa niya, ang panukalang batas ay makatutulong upang maiwasan ang matagal na pagresolba ng mga kaso na dulot ng overloading ng mga kasong nakatalaga sa bawat piskal.