SENIOR CITIZENS SA MAYNILA, SINIMULAN NG BAKUNAHAN NG SINOVAC

Ni Ivy Atompag
Photo: Manila PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ngayong araw, Abril 8, ang pagbibigay ng bakunang gawa ng Sinovac sa senior citizens. 

Kahapon ay inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng Sinovac sa mga matatanda matapos nitong ikonsidera ang rekomendasyon ng mga eksperto at ang kasalukuyang sitwasyon ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases at pagkakaroon ng limitadong suplay ng bakuna.

“Natigil kasi ang bakunahan sa senior gawa ng naubos na ang AstraZeneca. From the Director General of the FDA himself, Dr. Eric Domingo, we were informed that Sinovac is now allowed for senior citizens,” paliwanag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kaniyang Facebook live update kahapon, Abril 7.

Hiningi din ng alkalde sa mga opisyal ng barangay na tulungan ang senior citizens sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila sa vaccination sites mula sa kanilang mga tahanan kung kinakailangan.

Ngayong araw din, nagbukas ng karagdagang 20 vaccination sites mula sa naunang tatlong sites ang lungsod upang tumanggap ng mas maraming residenteng magnanais makatanggap ng COVID-19 vaccine.

Ang rollout ng bakuna ay para sa medical frontliners na nasa A1 na kategorya, senior citizens na nasa A2, at A3 na kinabibilangan ng mga nasa edad 18 hanggang 59 taong gulang.

Kahapon ay nasa 52,084 na benepisyaryo na ang nakatanggap ng bakuna sa Maynila.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.