SPECIAL RESIDENT RETIREE VISA HOLDERS, MAAARI NANG MAKAPASOK NG BANSA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na maaari nang makapasok ng Pilipinas ang mga dayuhang may hawak na Special Resident Retiree’s visas (SRRVs) .

Base umano sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at ng Department of Tourism, ang mga banyagang may SRRvs na inisyu ng Philippine Retirement Authority ay pwede nang magtungo ng bansa kahit na wala silang entry exemption na dokumento.

Samantala, sinabi ng BI na hindi pa rin maaaring makapasok ng bansa ang tourist visa holders, maliban na lamang kung sila ay may pahintulot mula sa foreign posts ng Pilipinas sa ibang bansa at kung sila ay makakapagpakita ng entry exemption document.

Pahayag ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, lahat ng mga dayuhang dumarating sa bansa ay kinakailangan pa ring makapagpakita ng kanilang 10 araw na mandatory quarantine hotel o facility booking, maliban na lamang iyong mga fully vaccinated na sa bansa, na kinakailangan lamang magpresenta ng kanilang pitong araw na booking.

Samantala, hindi pa rin pwedeng makatungtong ng bansa ang mga magmumula sa India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, at United Arab Emirates hanggang Hunyo 15, 2021 dahil pa rin sa banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga repatriated na Pilipino ay hindi makakasama sa travel ban, na layong iwasan ang pagpasok ng Delta COVID-19 variant na unang namataan sa India.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng Pangulo, sa mga kaso ng government-organized repatriation o pagpapauwi ng gobyerno sa mga Pilipino mula sa nabanggit na mga bansa, kinakailangang makipag-ugnayan sa isa’t isa ang Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.