Sputnik V parating na sa Pinas ngayong Oktubre, edad 18-59, pasok sa clinical trial

Nina Monica N. Ladisla at Ivy E. Atompag
(Photo credit: TASS Russian News Agency)

Sa darating na Oktubre, sisimulan na ang simultaneous third phase clinical trials ng Sputnik V, sa pangunguna ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology ng bansang Russia at ng Pilipinas.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology Philippine Council for Health Research and Development at isa sa mga nakipagpulong sa mga manufacturers at scientists ng Sputnik V, makakatanggap ang humigit kumulang 1,000 katao ng kanilang first dose sa Oktubre matapos maging pormal ang kasunduan ng dalawang bansa kamakailan lamang.

Matatandaang sa Phase 2 ng clinical trial, 76 katao ang binigyan ng vaccine at wala ni isa man sa mga ito ang nakapagtala ng anumang nakababahalang side effect. Naging mabisa umano ang vaccine matapos iulat ng Gamaleya Institute na minor adverse effects lamang ang kanilang naitala mula sa kanilang Phase 1 at Phase 2 clinical trials.

“They have shown that it was effective. It produced sufficient antibodies in the people that were given the vaccine. It was safe, only minor adverse effects such as fever for a few days after the injection,” paglilinaw ni Dr. Montoya.

Kinumpirma rin ng Palasyo na magsisimula ang medical research ngayong Oktubre at matatapos sa Marso 2021. Ito ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali.

Sa inilabas na guidelines ng panel, ang mga nasa edad 18 hanggang 59 taong gulang na maituturing na “high risks” ang prayoridad na sumailalim sa Phase 3 ng clinical trials ng bakuna.

Pwede rin maisali ang mga senior citizen, pero depende ito sa magiging resulta ng primary trials.

Bagamat aminado na kritikal ang yugtong ito ng trial dahil na rin sa libo-libong tao ang kailangang mabakunahan. Nilinaw din ng mga eksperto na tanging malulusog na tao lamang mula sa mga lugar na mataas ang virus transmission, ang maaaring mag-volunteer upang matukoy kung magiging immune sila sa COVID-19.  

Bukod sa bakuna ng Russia, nauna na ring inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang clinical trials ng mga bakunang kasalukuyan pa ring ginagawa ng ilang pharmaceutical companies sa China at Taiwan.

Kinumpirma rin ng Palasyo na kasali ang Pilipinas sa Phase 3 ng medical research na isasagawa at popondohan ng bansang Russia. Magsisimula umano ito ngayong Oktubre at matatapos sa Marso 2021. Kritikal umano ang yugtong ito sapagkat libo-libong pasyente ang kailangang bakunahan upang malaman kung mabisa ang naturang bakuna.

Nilinaw din na tanging malulusog na tao lamang, mula sa mga lugar na mataas ang virus transmission, ang maaaring mag-volunteer upang matukoy kung magiging immune sila sa COVID-19 matapos mabakunahan.  

Matapos makalap ang lahat ng impormasyon mula sa tatlong yugto ng clinical trial, ibabahagi ng Russia ang kanilang ulat sa Pilipinas upang pag-aralan ng Food and Drug Administration kung papasa ba ito para sa mass distribution.

Matatandaang nagboluntaryo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang maunang mabakunahan subalit iginiit ng Palasyo na mangyayari lamang ito sa Mayo 1, 2021 kung kailan tapos na ang third phase ng clinical trial na gagawin sa dalawang bansa. 

Dagdag pa rito, kailangan din ng go signal mula sa Presidential Security Group bago tuluyang mabakunahan si Pangulong Duterte.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.