SSS, GSIS HANDOG ANG CALAMITY, EMERGENCY LOANS PARA SA MGA NASALANTA NG SUNOD-SUNOD NA BAGYO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

May alok na calamity at emergency loans ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga miyembro at pensiyonado nitong apektado ng sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses kamakailan lamang.

Sa public advisory nito noong Linggo, Nobyembre 15, ibinahagi ng SSS na magkakaroon ito ng assistance package simula Nobyembre 27 para sa mga miyembro at pensiyonado nitong napinsala ng naturang mga kalamidad.

Ayon pa rito, kasama sa nasabing package ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP), Three-Month Advance Pension for SSS and Employees’ Compensation pensioners, at Direct House Repair and Improvement Loan.

Magsisimulang tumanggap ang SSS ng mga aplikasyon para sa CLAP at sa nabanggit na advance pension sa Nobyembre 27 hanggang sa Pebrero 26, 2021. Maaari namang magsumite ng aplikasyon para sa Direct House Repair and Improvement Loan isang taon matapos itong pormal na ianunsyo sa publiko.

Samantala, maghahandog naman ang GSIS ng Emergency Loan Program na hanggang P20,000 para sa mga miyembro at pensiyonado nito na biktima rin ng nasabing mga bagyo.

“Members and pensioners may borrow ₱20,000 under the GSIS Emergency Loan Program. The loan is payable in 36 equal monthly installments at only 6% interest rate,” ani GSIS President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet.

Ang mga maaaring kumuha ng nasabing loan ay iyong mga miyembro na kasalukuyang empleyado ng gobyerno at hindi naka-Leave of Absence nang walang bayad, iyong mga walang nakabinbin na mga kaso, at may sahod na hindi bababa sa P5,000 matapos maikaltas ang lahat ng mga bayarin, kagaya ng buwis, kontribusyon sa GSIS, at iba pang mga katulad na buwanang bayarin.

“Para sa GSIS members na nakapag-loan na sa COVID-19 Emergency Loan Program at hindi na kwalipikado sa emergency loan, pwede kayong manghiram sa Multi-Purpose Loan Program kung kailangan ninyo pa ng pondo. The GSIS multi-purpose loan is a low-interest loan with a one-time waiver of surcharges of your other loan accounts,” pagpapatuloy ng tagapangulo ng state pension fund.

Bunsod ng COVID-19, maaari lamang isumite ng mga miyembro at pensiyonado ng GSIS ang kanilang mga aplikasyon sa pamamagitan ng contactless na mga pamamaraan tulad ng GSIS web-based facility, Electronic GSIS Member Online o eGSISMO, pagpapadala ng email, o paghulog ng mga papeles para sa aplikasyon sa dropboxes na nasa lobby ng mga opisina ng GSIS.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ng mga nais magbigay ng kanilang mga aplikasyon ang opisyal na website at social media pages ng GSIS.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.