SUICIDE BOMBING NG 3 MIYEMBRO NG DAWLAH ISLAMIYA, NAPURNADA SA JOLO, SULU

Ni Joan Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

LUNGSOD NG QUEZON Tatlong babaeng diumano’y suicide bombers na kinilalang may kaugnayan sa Dawlah Islamiya-Abu Sayyaf Group (DI-ASG) ang hinuli ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasama ang iba pang law enforcers nitong Oktubre 10 sa Brgy. San Raymundo Jolo, Sulu bandang 1:50 a.m. ng madaling araw.

Pinangalanan ang mga babae na sina Nur-Aina Alihasan alyas Inda Nhur; Fatima Sandra Jimlani Jama; at Nana Isirani o Renzy Fantasya Rullie alyas Cici. Lahat ay naiulat na may kaugnayan kay Ben Quirino Yadah na sub-leader ng DI-ASG at Andi o Amin Baso na isang Indonesian terrorist.

Si Rullie ay isa ring foreigner na kabiyak ni Baso na diumano’y nangakong magsasagawa ng suicide bombing sa Zamboanga City matapos makapanganak.

Nakuha sa kanila ang improvised explosive device vest na may dalawang container pipes; isang 9V baterya; isang switch button; detonation cord, at iba pa na ayon sa AFP ay may kakayahang pumatay ng maraming inosenteng sibilyan at magwasak ng mga gusali.

“Given the relentless, focused military operations conducted under the directions of AFP Chief General Gilbert Gapay since last August 24 suicide bombing in Jolo, the forces of this Dawlah Islamiya-affiliated group has been seriously degraded,” pahayag ni AFP Spokersperson Marine Major General Edgard Arevalo.

Kasama rin sa bilang ng mga napatay na sub-leaders ng teroristang ASG sina Samir Nani na nasawi noong Agosto 29; at Arsibar Sawadjaan na napatay noong Setyembre 28. Kinilala silang parehong tagagawa ng bomba.

Si Baso na asawa ni Rullie ay napatay noong Agosto 29 sa isang operasyon ng militar sa Patikul.

Pinapurihan ni AFP Chief of Staff Gen. Gapay ang operating units sa ilalim ni Brigadier General William Gonzales, Commander ng 11ID at Joint Task Force Sulu para sa kanilang sunud-sunod na tagumpay. Pinasalamatan din ng heneral ng AFP ang lokal na pamahalaan at mga residente ng Jolo, Patikul, at Indanan sa kanilang impormasyon na nakatulong upang maging matagumpay ang operasyon ng mga kasundaluhan.

“This only proves that if the local leaders and the populace will cooperate with the AFP and other agencies of government, we will be as one nation defeat this terrorist menace to society. Our ‘kababayans’ should continue to be vigilant and report any suspicious presence of individuals or developments in their respective localities,” dagdag pa ni AFP Spokesperson Arevalo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.