SUPLAY NG KURYENTE SA ILANG BAHAGI NG BICOL, NAIBALIK NA

Ni Joan Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

LUNGSOD  NG QUEZON Nanaig ang “objectivity” at “non-interference” ayon kay Philippine Permanent Representative to the United Nations (UN) Ambassador Evan P. Garcia sa naging resolusyon ng UN Human Rights Council nitong Oktubre 7 na bagkus mag-imbestiga ay kumilala umano sa inisyatiba ng pamahalaan na mapag-aralan ang mga kritisismo at alegasyon laban sa anti-drugs campaign ng gobyerno.

Pinapagtibay diumano ng resolusyon ang pagkilala ng international organization sa mga kasapi nitong bansa bilang “duty bearers.”

Sa panig ng Philippine National Police (PNP), nilinaw nito na hindi selebrasyon bagkus ay oportunidad ang naging resolusyon para pagtibayin pa ang pagsunod sa rule of law ng buong kapulisan sa lahat ng aspeto ng kanilang operasyon.

“This will further strengthen the PNP’s firm commitment to uphold the rule of law, through strict adherence to the PNP Operational Procedures or Rules of Engagement that emphasize highly on respect for human rights and international humanitarian law,” pahayag ni PNP Spokesperson Police Colonel Ysmael Salonga Yu.

Malugod nitong tinatanggap ang panukalang “technical cooperation and capacity-building for the promotion and protection of human rights in the Philippines” ng Konseho.

“The PNP will do its job as intended, and perform to its best for what is right and to assure that PNP will always be there to serve and protect every Filipino family as its partners,” ayon sa Spokesperson.

SUPLAY NG KURYENTE SA ILANG BAHAGI NG BICOL, NAIBALIK NA

Ni Ivy Atompag
Photo: NGCP
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Naibalik ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Bicol noong araw ng Linggo matapos ang pagsalanta ng bagyong Rolly sa bansa noong nakaraang linggo na sumira sa daan-daang poste at tore ng kuryente sa rehiyon.

Pansamantalang nakakuha ng power source ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) mula sa Bacon-Manito Power Plant sa Sorsogon na ginamit upang pansamantalang maibalik ang suplay ng kuryente sa mga probinsya ng Albay at Sorsogon. Ang kuryente namang naibigay sa Camarines Norte at Camarines Sur ay kinuha mula sa isang power plant sa Quezon.

Ayon kay NGCP spokesperson Nilda Somera, pansamantalang naibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na ito sa pamamagitan ng BACMAN power plant at Daraga substation ng NGCP hanggang lahat ng mga nasirang transmission facilities ay maibalik.

Bukod dito, nagawa namang ibalik ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang suplay ng kuryente sa ilang mga lugar sa Legazpi City, Daraga, at Sto. Domingo.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ni Deparment of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi sa isang virtual briefing na mahalagang maibalik agad ang suplay ng kuryente sa mga lugar na apektado ng Bagyong Rolly lalo na at napapalapit na ang Pasko. Binigyang diin din niya ang pangangailangan ng kuryente ng mga ospital at opisina  ng gobyerno doon. 

“Hindi natin pwedeng patagalin ‘yan dahil Nobyembre na at malapit ang Pasko, and kailangan talaga, power is there. Kailangan na kailangan ng power in our hospitals and in our vital government installations,” saad ni Cusi.

Bagama’t wala pang maibigay na timeline ang kalihim kung kailan tuluyang maibabalik ang kuryente sa mga lugar, siniguro niyang ginagawa nila ang lahat, upang mapabilis ang pagpapanumbalik ng mga nasirang power infrastructure na nagkakahalaga ng P2.8 bilyon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.