Swab test isasagawa ng DOH sa mga may sintomas ng COVID-19 sa MECQ areas

Ni Raiza F. Cabugwang

Sasailalim sa swab test ang mga residente ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na kakikitaan ng sintomas ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inanunsyo noong Miyerkules ni Department of Health (DOH) Undersecretary Rosario Vergeire bilang bahagi ng 10-point results na inihanda ng pamahalaan para sa mga nasabing lugar na kasalukuyang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ). 

Kilala rin bilang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR, ang swab test ay kayang magbigay ng mas eksaktong resulta at siyang itinuturing na “gold standard” sa pagtukoy kung talagang apektado ang isang indibidwal ng COVID-19. 

Kayang alamin sa pamamagitan nito kung may COVID-19 virus sa katawan ng isang indibidwal, taliwas sa rapid antibody-based diagnostic test na may kakayahan lamang na masuri kung mayroong antibodies ang katawan na maaaring panlaban sa naturang virus. 

Bukod sa pagsasagawa ng swab tests, bahagi rin ng nasabing 10-point results na inilatag ng pamahalaan ay ang pagsusuri kung mayroong sintomas ng COVID-19 ang 100% residente ng mga kabahayan; pag-isolate sa mga pasyenteng may COVID-19 na hindi sumusunod sa home quarantine protocols; at pagtukoy sa 37 na mga indibidwal na nakasalamuha ng kada isang pasyenteng may COVID-19.

Kasama rin sa mga hakbang na isusulong ang pagpapalawak sa kaalaman at pagsigurong sumusunod ang mga residente sa minimum health standards, tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, at physical distancing; 100% na pagtukoy sa mga residenteng kinakailangang i-admit o i-isolate; ang hindi kinakailangang paggastos para sa pambayad sa ospital ng 100% sa mga pasyente; ang 100% na pagtukoy, pagkontamina, at pag-isolate sa clusters o mga “kumpulan ng kaso”; at ang pagtiyak na hindi makararanas ng diskriminasyon sa kanilang komunidad ang mga pasyente. 

Ayon pa kay Usec. Vergeire, sa ilalim ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic o CODE na stratehiya ng DOH, makikipagtulungan ang national government sa local government units at health officials, mga kasapi ng civil society organizations, at iba pang stakeholders sa local health system upang maisagawa ang naturang inisyatibo. 

“We are going to adopt the Rabi model which was adopted from Mumbai where they did house-to-house and they were able to identify all symptomatic, they were able to test them and even their contacts, and somehow they were able to contain the transmission,” dagdag pa ng tagapagsalita ng DOH.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.