TELEMEDICINE SERVICES NG DOH, MAS PALALAKASIN; MGA NAKA-HOME QUARANTINE PASOK NA RIN SA SERBISYONG ITO

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga nagpositibo sa virus na naka-home quarantine, nagpasya ang Department of Health na isama ang mga ito sa telemedicine services kabilang na ang contact sa triage o screening sa mga lokal na pamahalaan at ang One COVID-19 Referral Center upang magkaroon ng agarang access sa mga doktor.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malaki umano ang maitutulong nito upang magkaroon ng karagdagang intensive care unit beds para sa mga mas nangangailangan nito.

“These home care services, pwede rin silang bisitahin ng mga primary care physicians na naka-link sa referral system natin, and most important, may financing mechanism tayo kaya nakikipag-usap tayo sa PhilHealth,” dagdag din ni Usec. Vergeire.

Hinikayat din niya ang mga pasyenteng naka-home quarantine na magkaroon ng maayos na internet connection upang maayos na maisagawa ng DOH telemedicine partners ang kanilang monitoring.

“Gusto natin ang home care naka-akibat po ‘yan sa telemedicine para guided ang mga kababayan kung gagawin sila ng home care,” ani Usec. Vergeire.

Pinaalalahanan naman niya ang mga nakararanas ng severe symptoms na huwag mag-home quarantine at sa halip ay makipag-ugnayan agad sa kanilang lokal na pamahalaan upang mailipat sa ospital o isolation facility.

“Tumawag ho kayo sa local government units so that they can give your assistance, either they can bring you to a hospital or an isolation facility,” paalala ni Usec. Vergeire.

Sa kabila nito, positibo pa rin si Usec. Vergeire na dadami ang makakarecover sa mga darating pang araw lalo pa’t nakatakda ring ilunsad ng DOH ang Oplan Recovery kung saan maglalabas ng datos ang ahensya ng mga naka-recover na pasyenteng may mild at asymptomatic symptoms.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.