LUNGSOD NG QUEZON — Terorista at supporters ng mga ito ang dapat matakot sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Act (ATA) at hindi ang publikong sumusunod sa batas, ang ibinahagi kamakailan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos maipasa ang naturang IRR.
Sinabi ni AFP Spokesperson MGEN Edgard Arevalo na makatutulong ang napapanahong pagpasa ng IRR, na mas nagpapalinaw pa sa mga probisyon ng ATA, sa epektibong pagtugis ng militar sa mga teroristang grupo, indibidwal, at maging kanilang mga tagasuporta.
Kasabay nito ang paniniguro ng AFP na parating poprotektahan ng militar ang karapatang pantao ng publiko gaya ng nasasaad sa Konstitusyon.