TESTING CZAR, NANAWAGAN SA INFLUENCERS NA MAGING EHEMPLO SA PUBLIKO; BAGUIO MAYOR MAGALONG, IKOKONSIDERA ANG KONTRIBUSYON NI TIM YAP SA GAGAWING IMBESTIGASYON

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Matapos maipasara ang isang restaurant sa Taguig dahil sa paglabag ng ilang local celebrities sa quarantine protocols, naging usap-usapan rin ang nangyaring paglabag ng ilang “influencers” sa Baguio City kamakailan.

Paalala ni Testing Czar Vince Dizon, dapat umanong maging magandang ehemplo ang “influencers” sa publiko sa pagsunod sa health at safety protocols ngayong panahon ng pandemya.

“Napakaimportante po ng role ng influencers dahil tinitingala po sila ng ating mga kababayan, kaya ang pakiusap lang po namin, lalong-lalo na sa influencers, sila po dapat ang maging ehemplo para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Dizon.

Ayon pa kay Dizon, kahit umano nagnegatibo ang RT-PCR test ng mga dumalo sa naturang okasyon sa Taguig, maaari pa rin umanong mahawa ng virus ang mga dumalo rito.

“I think number one, ang testing sa COVID-19, antigen test, kahit na ‘yung gold standard, isa lang ‘to sa mga panlaban natin sa COVID-19. Pero ang pinakaepektibo at pinakamatindi nating laban sa COVID-19 ay ito ‘yung pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay at pagdistansya,” paliwanag ni Dizon.

Sinang-ayunan din ito ni Taguig City Mayor Lino Cayetano at ayon sa kanya, hindi umano sapat na mayroong COVID-19 test ang mga ito, dapat pa rin umano silang sumunod sa itinakdang health measures ng lugar.

“The city will release guidelines doon sa specific ng testing pero any kind of testing does not excuse you from the rules of our city. Mayroon ho tayong mga patakaran. Hindi ho dahil nagpa-test kayo, exempted ho kayo. We want to make that very clear,” ani Mayor Cayetano.

Mananatiling nakasara ang restaurant kung saan idinaos ang kontrobersyal na birthday party habang patuloy ang imbestigasyon sa nangyari.

Samantala, siniguro naman ni Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ikokonsidera sa gagawing imbestigasyon ang mga naitulong ni events host at social media personality Tim Yap sa local artists ng Baguio gayundin sa lokal na turismo nito.

Nakatanggap ng kritisismo ang ginawang social gathering ng influencers sa Baguio, na dinaluhan din mismo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dahil sa paglabag ng mga ito sa health at safety protocols.

Ayon kay Mayor Magalong, “Nag-usap na po kami kahapon at binanggit ko po sa kanya, I understand what happened. Everybody was just so engrossed, so engaged kaya kung minsan nakakalimutan.”

Dagdag pa niya, “Sabi ko sa kanya, but don’t you worry about it. Yung tulong niyo na ginagawa sa siyudad ng Baguio for promoting, for saying good words about Baguio, doon sa aming artists, we’re considering all of this. Don’t you worry, we’ll have this thing investigated. Nahihiya sila, e.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.