LUNGSOD NG QUEZON — Huli ang Top 2 Most Wanted Person ng QCPD Cubao PS-7 sa tulong ng mga operatiba ng 2nd Provincial Mobile Force Company at Lala Municipal Police Station ng Lanao Del Norte, at Regional Intelligence Division-National Capital Region Police Office nitong Enero 14.
Arestado si John Marc Pilapil, 22, na nagmula sa Lanao Del Norte at residente ng No. 51 Harvard St. Brgy. E. Rodriguez Cubao, Quezon City bandang 9:50 a.m. sa Sitio Dao Tenazas Lala, Lanao Del Norte dahil sa kasong robbery.
Naibigay na si Pilapil sa PS-7 bandang 9:30 a.m. nitong Enero 27 para kaharapin ang kanyang kaso.
Pinapurihan ni QCPD Director Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang mga operatiba sa kanilang surveillance efforts.