TOTAL BAN NG MGA PAPUTOK, PINAG-IISIPANG IPATUPAD SA BUONG BANSA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Kasalukuyang pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tuluyan nang pagbabawalan ang paggamit ng paputok sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa bansa.

Sa public briefing ni Pangulong Duterte nitong Lunes, ipinahayag niya na malaki ang posibilidad na ipagbawal ang mga paputok sa buong buwan ng Disyembre.

“By mid-year, I may issue the necessary documents banning totally — totally banning paputok. It’s really a dangerous thing, and for reasons of public safety and health,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Nagbabala rin si Pangulong Duterte sa mga indibidwal na gagamit ng baril sa darating na holiday season.

“I’m reminding policemen, military men and civilians — licensed or not — holding firearms, do not [try]. Do not,” mariing pahayag ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa niya, “Kapag nahuli ka dito sa pagpaputok mo, papahirapan kita. Kung sa New Year ka magpapaputok, papahirapan kita. Sabihin ko sa mga pulis, ‘wag niyong linisin mga kubeta niyo sa preso… ‘wag niyo linisin sa Pasko pati New Year. Kasi diyan ko ipasok ‘yung mga p*********g ‘yan. 

Ikinumpara ni Pangulong Duterte ang mapayapang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon sa Davao City kung saan ipinatupad ang pagbabawal ng mga paputok noong siya’y alkalde pa lamang.

“Kagaya sa amin — sa amin maganda man. New Year, Pasko, we celebrate them with the family. May music, lahat na. Gaiety and all. Walang nasusugatan, walang namamatay,” ani Pangulong Duterte.

Nitong Enero, naitala  ng Department of Health (DOH) na bumaba sa 35 porsyento ang fire-cracker related injuries mula Disyembre 21 hanggang Enero 1, 2020.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, malaking tulong umano ang executive order na inilabas ng Pangulo noong 2017 na naglilimita sa paggamit ng paputok sa bansa gayundin ang information campaign na isinagawa ng DOH upang mabawasan ang sakunang dulot ng paputok.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.