LUNGSOD NG QUEZON — Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng pinabuting training program para mas gawing asintado pa ang mga pulis.
Ang training ay parte ng 9-point PNP Sustainable Development Plan na naglalayong paigtingin ang crime prevention and solution at comprehensive human resource and skills development ng PNP.
Sinabi ni PNP Chief PGEN Camilo Pancratius Cascolan, “My own intention as Chief PNP is to develop among all 220,000 police personnel the basic skills set of marksmanship and crime investigation.”
Ipinag-utos na ng hepe na pabilisin ang training para sa mga directorial at personal staff, kasama ang national support units, na sasailalim dito.
Inumpisahan na ng PNP Training Service sa ilalim ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development ang orientation para sa Modified Handgun Qualification Marksmanship noong Oktubre 14 sa PNP Firing Range PNPTS Compound Camp Crame, Quezon City.