TRAVEL RESTRICTION SA OFWS MULA SA MGA BANSANG KONTAMINADO NG BAGONG COVID-19 VARIANT, PINAG-AARALAN NA NG IATF

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ang posibilidad na isama sa travel restriction ang overseas Filipino workers (OFWs) na manggagaling mula sa mga bansang mayroong positibong kaso ng bagong COVID variant upang mapigilan ang pagpasok nito bansa, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

“Pinag-aaralan pa po. Kailangan natin d’yan ng recommendation ng Department of Health, gaano talaga kaposible ‘yung pagiging carrier ng ating OFW ‘pag galing doon sa countries where COVID variant is very high like United Kingdom,” paglilinaw ni Sec. Bello.

Kamakailan, pinayuhan na ng Department of Foreign Affairs ang OFWs na ipagpaliban muna ang pag-uwi sa bansa dahil sa ipinatupad na travel ban sa mas maraming bansa dulot ng pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.

Epektibo hanggang Enero 15 ang travel ban ng bansa sa 20 bansa kasama na ang Hong Kong para sa foreign nationals.

“Isa sa dahilan ‘yun na pinag-aaralan ng IATF na baka pwedeng isama na rin sila sa restriction. Baka sila ‘yung magdadala dahil halimbawa, yung OFW galing UK, o kaya galing sa Germany, ‘yun ang matindi ang coronavirus variant doon, so the possibility na sila ‘yung magta-transmit,” pahayag ni Sec. Bello.

Dagdag pa niya, bukod sa mandatory 14-day quarantine para sa OFWs na manggagaling sa natukoy na 21 bansa, malaki rin umano ang posibilidad na isailalim muli sila sa quarantine pagdating ng mga ito sa kani-kanilang mga probinsya, kung kaya’t hangga’t maaari ay pinapayuhan na silang ipagpaliban muna ang pagbabakasyon sa bansa.

Matatandaang noong Disyembre, iminungkahi ni Sec. Bello kay Pangulong Rodrigo Duterte na isali ang OFWs sa travel restriction na naitala ng ilang labor attaches na kontaminado sa bagong variant ng COVID-19, subalit tinanggihan ito ng Pangulo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.